Search This Blog

Wednesday, October 03, 2018

Maganda sa kalusugan ang kumain ng KangKong


Ano ang maitutulong sa ating kalusugan ng kangkong?

Ang kangkong isa sa mga murang gulay na nabibili sa palengke at ito ang madalas na ulam ng mahihirap na Pilipino, ano ba ang benepisyo ng kangkong sa kalusugan natin?

Minsan nakikita natin nasa tubig at nasa likod ng bakuran natin sa bahay, at humahaba ito at dumadami hanggang sa lumawak ang mga dahon nito, ang kangkong ay puwede sa mga bata sa mga nag bubuntis, ang kangkong ay isang popular na pagkain, at matatagpuan ito sa mga lutuin natin. Ang mga dahon maaaring puwede gawing salad, oh lutuin bilang mga gulay. Ang kangkong ay naglalaman ng mga nutrisyon gaya ng bitamina A, B, C, at calcium. at maganda ito sa mga mata natin dahil sa may bitamina A, nakakatulong din para sa pag ganda ng skin natin, nag papalakas ng buto sa katawan, iniiwasan ang pag dapo ng mga sakit sa atin, nag lalaman din ito ng antioxidants tulad ng Lutein, Lipoic Acid. at nakakatulong para umiwas sa mga cancer na sakit, pampalakas din ng iimmune system ng ating katawan, nag lalaman ng napakaraming irom mineral na mabuti sa enerhiya ng ating katawan. mayaman din ito sa fiber, nakakatulong din sa pag tunaw ng matataba sa ating kinakain, wala ring kolesterol at mababa ang calories puwede sa mga high blood nating mga Pilipino, isa sa mga maraming micronutrients ang kangkong, puwede sa mga mahihirap na Pilipinodahil mura masarap at madaling eh tanim sa bakuran na may tubig at puwede rin sa lupa,

Ugaliin po natin kumain ng kangkong sa pag kainan dahil maraming benepisyo ito sa atin
maganda sa katawan at maraming magagawa para sa kalusugan natin

Magandang buhay sa ating lahat mga Pilipino,

No comments:

Post a Comment